weblog of rommel talavera pascual

Ang Aming Sili

Ang Aming Sili
Ang Aming Sili, a photo by artipax on Flickr.

Ang Aming Sili

Ka-aani lang namin ang mga bunga ng sili na ito, mga dalawang lingo pa lang ang nakakaraan. Ngayon punong-puno nanaman ng bunga. Pinamimigay ni Jeanne sa mga intsik nyang mga ka-opisina. Tuwang-tuwa sila sa mga berde dahil tamang-tama lang ang anghang sabi nila. Yung mga pula – ubod ng anghang – pinag-papawisan ako sa tuwing ginagamit ko.

Ngayon sinubukan ko yung mga berde – tama nga sila. Pinapawisan pa rin ako – pero di ko na pinapaypayan ang bibig ko o umiinom ng gatas pag nakagat ko and bunga.

Tinanim ito ng mabait naming kapitbahay na si Mang John. Sya na rin ang namamahala ng buong hardin namin. Itong halaman na ito ay nasa harapan namin, sa may letterbox. Marami na kaming itinanim na halaman dito pero walang tumatagal o namumunga. Kaya naman tuwang-tuwa kami na mayroon tumubo at napapakinabangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Archives

Categories